Pasinaya 2010

Pasinaya 2010
kabilang si kakay dy sa naganap na PASINAYA 2010

Thursday, April 29, 2010

FACT ME :)))

RULES :
Once you've been tagged, write a note with 25 random things, facts, habits, or goals about you.
At the end, choose 25 people to be tagged. You have to tag the person who tagged you.
If I tagged you, it's because I want to know more about you.
[Unless you already published your own list already without tagging me...Gee...thanks a lot]
(Go to "notes" under tabs on your profile page, paste these instructions in the body of the note, type your 25 random things, tag 25 people and publish.)

1.Mahilig ako sa color green, kahit anong green basta green :P

2.Ayoko ng Suka, ayoko kasi ng amoy nito sobrang AYAW TALAGA!

3.Ayoko ng catsup, ewan ko kung bakit, bsta ayoko lang ng lasa nya.

4.Hindi ako nakakatulog pag wala ang favorite kong SARONG. ung pang summer :P lagi kong katabi yun sa pagtulog.

5.Isa rin ako sa mga taong na.aadik ngayon sa waveboarding, kahit nagkakandasugat sugat na ko.

6.Antukin ako, yung tipong masandal lang ako tulog agad.

7.Mas gusto ko pang pumunta ng WOF, TOM'S WORLD, at TIMEZONE, kesa manuod ng sine.

8.Nakakatapos ako ng isang libro sa National Bookstore (pero yung manipis lang ah), isa dito ang libro ni Jessica Zafra :P

9.Mainipin ako, yung tipong 5 mins. pa lang akong naghihintay batong bato na ko. At pinaplano ko ng iwan ka, at wag ng hintayin.

10.Nung 4th year ako, last periodic exam ata namin yun, di ako natulog ;) pag dating ko sa school, hilong hilo ako.

11.Hanggang ngayon manghang mangha pa din ako sa mga langgam na nagbubungguan. mystery kasi para sakin yun. sabi kasi ng iba yun daw ang way ng communication nila :P

12.Nung 1st year ako, pinangarap ko na sana koreana na lang ako. HAHAHA.. nauso kasi nun ang mga koreanovela. natatandaan ko full house ata yun, saka princess hours.

13.Mahilig akong maglipsing, kasama ko kapatid ko na si carl pag dating sa ganun. pero ayokong i.upload mga videos namin, muka kasi akong sira :P

14.Hanggang ngayon, sinusulat ko pa din ang pangalan ko sa maalikabok na salamin ng kotse.

15.Lahat ng likod ng notebooks ko may lettering ng nickname ko "kath o kya kathy", araw araw ko kasing ginagawa yun. lalo na pag wala sa mood makinig sa teacher.

16.Nahihiya akong magsorry, kaya akala ng iba mataas pride ko(pero mataas naman ata talaga). LOL.

17.Mahal ko si BOB ONG, kaya nung nabalitang patay na daw siya, naluha agad ako. 'di ko ata matatanggap agad yun.

18.Naadik ako sa choco choco. nauso kasi yun sa school namin, hanggang sa may nagawa kaming *some text missing* HAHAHA.. :P hanep talaga yun!

19.Nung Elem ako, pangarap kong maging astronaut :P HAHAHA.. totoo to! ewan o ba kung bakit. :P

20.Mahilig akong magkabisa ng mga longest words :) kahit muka na kong ewan.

21.Umiiyak ako tuwing nakakabasa ako ng nobela ni Nicholas Sparks.

22.Ayokong naglalaba kasi nagbabalat kamay ko.

23.Di ako gumagala ng walang panyo, pasmado kasi ako :P

24.Hate ko ang amoy ng yosi, pag may nakakasabay ako sa jeep na nagyoyosi, umuubo ako kunwari :P para akalain nilang may asthma ako, at tinatapon naman nila yung yosi nila, tapos magsosorry sa kin ;)

25.Feeling ko boboto ako ngayong eleksyon todo support kasi ako kay NOYNOY :p kapag friday lagi akong naka.yellow shirt :)

Friday, April 16, 2010

Ang susunod na Kabanta

Isang kabanata na naman sa buhay ni kakayDy ang lumipas, isang masayang karanasang puno ng aral, isang pangyayari sa buhay na kailanma'y imposibleng malimutan. 'di ko alam kung papaano talikuran ang katotohanang tapos na ang maliligayang araw ko sa highschool.

Hindi ko alam kung paano sa posibleng paraan matatahak ko ang susunod na kabanata ng buhay ko na hindi kasama ang mga taong bahagi na ng higschool ko, hindi ko alam kung paano ako makikisama muli sa mga taong hindi ko pa nakakasama. Panibagong pakikitungo na naman ang haharapin ko, panibagong klase ng tao ang makakaharap, makilala, makakasalimuha.

Paano kaya nila ako tatanggapin? Paano kaya nila ako pakikitunguhan? Magugustuhan kaya nila ako? Magiging totoo kaya sila sa akin? Iyan ang mga katanungan na nasa isipan ko. Natatakot ako. Takot sa mga bagay na hindi ko magagawa, takot sa mga taong hindi ako magugustuhan, takot sa mga gurong "TERRORS", takot na baka mali ang kursong kinuha ko.

Hindi ako matapang, tulad ng pagiisip ng iba. Dahil, ang totoo'y duwag ako. duwag akong ipakitang takot ako, duwag akong ipaalam na ako'y nangangamba, duwag akong sabihing malungkot ako, duwag ipakitang hindi ko kaya.

Ngunit, kung ano man ang kahihinatnan ng kolehiyo ko, di ko makakalimutan ang mga taong naging bahagi nito. Ang mga matatapang na guro, at ang mga hindi. Ang maga taong di ako nagustuhan, kabilang na ang mga kaibigan ko. Ang mga taong ito, ang nagbigay sa akin ng rason kaya't hindi ko malilimutan ang karanasang nagdaan.

Sa pagtahak ko sa bagong kabanata ng buhay ko, hindi ko kakalimutang minsa'y naging higschool ako. Isip bata, pumapasok para may baon, kinikilig kapag nakikita ang crush, nagccuting para manuod ng showtime, magbibigay ng codenames sa teacher, magiingay sa library, magpapahabol sa guard, pipilitin ang teacher iurong ang deadline, maiistress sa exams, gagala after class, tatambay sa lobby. Dahil sa huli, ito ang mga bagay na nagpalago sa akin.

Sunday, March 7, 2010

Kailangan Pa bang imemorize yan?



Kailangan ko pa bang linawin ang nakasaad sa itaas? hindi ba obvious na panginoon ng mundo yan? OO di yan typo, or what! PANGINOON nga ang nabasa mo! Money, Pera, sa wika ni Juan, isang bagay na minamahal, sinasamba, pinaglilingkuran ng maraming (di ko nilalahat) tao sa mundo, at tulad ni Hesus makapangyarihan din yan, nakakagawa yan ng mga imposible, e di lalo na ang posible! madaming tao na ang namatay at nagpakamatay para diyan, madami na ding umiyak at humalakhak dahil diyan, madami ring sumasamba at sumusuklam sa pera. Pero kahit ano pa man, wala ako niyan :)) Biro lamang ;P ayoko ng magsalita, ay magtype pala, kasi nakakasawa na e, nakakaumay na ang paulit ulit na balita sa telebisyon: patayan, siraan, lampungan (chaaarrr) ng dahil sa pera, e pambihira! Ano ba yan? Papel lang yan, nagpapaalipin kayo diyan! Sinasamba nyo pa! Haaayyy mundo nga naman..

Try kaya nating tayo ang habulin ng pera? ay, imposible ata yun! HAHAHA.. nakakatakot din :)) pero, bahala na si bathala. :)


Ito na ata ang isa sa mga di malilimot na bahagi ng aking buhay, ang maging isang kasapi ng sining pangteatro. Ang maging bahagi nito ay isang karangalan, isang masayang karanasan.

Teatro Silangan ang tawag sa amin. Kasalukuyang nasa De La Salle kami ng mga oras na kinuha ang litratong yan, upang mag tanghal ng isang dula.

Ang pagtangkilik sa Teatro, at iba pang klase ng sining ay nangangahulugan lamang na mahal mo ang Literaturang Pilipino!!

Suportahan natin ang sariling Sining Pilipino.

Wednesday, September 23, 2009

NAHIHIYA ka na bang maging PILIPINO?

kakatapos ko lng mgbasa ng libro ni bob at ayun nabuhay na naman ang diwa ko! leche tlga amf! nkakabadtrip tlga!

masama bang mgng Pilipino? kasalanan bang maging Pinoy? at higit sa lahat nakakahiya bang mging Pilipino?

b'at gnun? may mga taong kulang na lang e bumalik sila sa sinapupunan ng nanay nila at piliing wag ipanganak sa Pilipinas?!

ano bang masama sa pagiging Pilipino? masaya naman ah.. kahit nga wala ng pera ang mga tao dito lagi pa ring tayong nkangiti. sa katunayan nangunguna tayo sa mga bansang masayahin..

at kasalanan bang maging Pilipino ka?
Sabi nga diba everything has a purpose.. alamin mo kasi kung anung pakinabang mo sa bansa natin ng sa gnun d mu isiping kasalanan ang pagging Pilipino..

at ang pinaka huli at napakasakit na part pero alam nating lahat na totoo..
"NAKAKAHIYA BANG MAGING PILIPINO?"
-hindi naman diba? bat ba tingin mo nkkahiya? siguro kasi iniisip mo ang mga nakakahiyang nangyayari sa bansa natin, ang korapsyong nagaganap sa gobyerno natin, ang mga batang halos kita na ang buto, ang mga bahay sa ilalim ng tulay at tabi ng ilog, ang mabaho at ang magulong kalsada ng maynila, ang mga magnanakaw na nagaabang sa kanto, ang iba't ibang bansag ng mga bansa sa atin, na pag binansagan tayo halos gisingin na nila si lapu-lapu sa inis! e totoo naman di ba?
o kya kung hndi yan ang dahilan kung bakit isinusuka mo ang pinas, cguro dahil ikaw ang dahilan kung bakit may mga ganyang dahilan! tama ba ako?

Hoy! kung gusto mong wag magkaroon ng ganyang dahilan ikaw mismo mag simula ng pagbabago..


(oha! oha! inis na ko! Pero calm pa dn c kakay dy :"> )

Tuesday, August 25, 2009

NOTICE!!!


ako nga pala si ano.. sino nga ba? ahhm Beb Ang na lang..
haha, tutal idol ko naman si Bob Ong e..
tutuwa kasi ako basahin yung mga books nya! iba kasi e..
iba sya sa mga books na nabasa ko..

about my personal life, i'm a dedicated (wushu) senior student..
from a University dyan lang isa sa mga universities dyan sa may U-Belt
masayahin akong tao, mdaming kalokohan sa buhay,
may mga barkada ako na masasayahin din at mga abnormal..
iba iba ang mga ugali ng mga un may emo, loner (ai parang parehas lang un ah) ,
may mahilig matulog, may di naturukan, may tomboy (whaha) , at may mukang chuchu..
madami din kaming pinagtatambayan, isa na dun ang library..
mahilig talaga kasi kaming mag library e..
sa totoo lang ah, di naman sa pagmamayabang pero, walang araw ata na di kami nalalibrary..
pero kung akala nyo na nandun kami para mag aral ay nagkakamali kayo..
haha x 10 ^890 ... hanep sa tawa noh?

ayun back to business na..
andoon kami sa library di para mag aral kundi..
1. MAG PASAWAY
- libararian "mga 4th year kayo di ba? araw araw kayong nandito pero, araw araw din kayong nagpapasaway"
2. MANGULIT
- librarian "kayo na naman?! ay 4 na mag sasara na kami" (oo tama, ginanyan talga kami. it hurts di ba? wahaha.. pero di naman talga sila magsasara pa. tsk)
3. last but it will never be the least ang MAG CELLPHONE
- sa kalgayang ito di kami pinag sabihan alam nyo kung anong ginawa samin?!
binagsakan lang naman kami ng karatulang "NOTICE" at alam niyo ba kung anong sabi dun?
ito oh..



NOTICE
"...USE OF CELLPHONE INSIDE ANY ** (name ng univ. nmin) LIBRARY IS STRICTLY
PROHIBITED...THE LIBRARY STAFF IS AUTHORIZED TO CONFISCATE AND
HOLD IT IN TRUST..."



- TOTOO YAN! ganyang ganyan talaga ang nakasulat do'n .. haha x10^658
siguro ok na 'to para sa first blog ko.. hai.. ansaya may blog na ko.. :))





Beb Ang